Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Bill Crowder

Takot

Isa sa mga palaisipan sa pagpatay sa presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy ay ang babaeng“babushka” o telang pantakip sa ulo. Nakita itong kinukuhanan ang pagpatay sa presidente pero hindi na ito kailanman nakita pa ng mga pulis para makuha ang ebidensya na hawak nito. Hula ng marami ay natakot ang babae kaya nanahimik na lamang ito tungkol…

Ang Dila

Ayon sa batas ng mga Romano noon, walang heneral ang mangunguna sa kanyang hukbo para tumawid sa Ilog ng Rubicon. Kaya noong pinangunahan ni Julius Caesar ang kanyang hukbo papuntang Italya at tumawid ng ilog, itinuring itong pagtataksil sa batas ng Romano. Ang pagtataksil na ito ang nagdulot ng digmaang sibil.

Minsan, parang nakakatawid din tayo sa ilog ng Rubicon sa…

Hanggang Kailan?

Sa isinulat na aklat ni Lewis Caroll na Alice in Wonderland, sinabi ni Alice, “Hanggang kailan tatagal ang walang hanggan? Sabi naman ni White Rabbit, Minsan, isang segundo lang.”

Ganoon ang aming naramdaman noong namatay ang kapatid kong si David. Nang ililibing na siya, mas tumindi pa ang aming pagdadalamhati at pangungulila. Parang tatagal ng magpakailanman ang bawat segundo.

May inawit…

Palaging Manalangin

Isa sa maraming pakinabang ng mga cellphone ay maaari nating makausap ang kahit sino sa anumang oras. Dahil dito, maraming mga tao ang gumagamit nito kahit nagmamaneho na nagdudulot ng matitinding aksidente. Para maiwasan ang mga ito, maraming mga paalala sa daan na huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho. Mas mabuti na huminto saglit kung mayroon tayong nais tawagan o makausap.…

Magseat Belt Ka

Minsan, nagbigay ng babala ang isang empleyado ng eroplano habang bumibiyahe kami. Sinabi niya na kailangan naming maupo at siguraduhing magseat belt. Dadaan kasi kami sa lugar na kung saan ma- aaring magulo ang loob ng eroplano. At kung hindi kami mauupo at magsiseat belt ay maaari kaming masaktan.

Madalas naman hindi nagbibigay ng babala ang problema tuwing dumarating siya…

Kilala at Minamahal

Naging sikat ang isinulat na kanta ni Anna B. Warner noong taong 1800 lalo na sa mga bata. Ipinapahiwatig ng kanta na minamahal tayo ng Panginoong Jesus.

May nagbigay naman sa aking asawa ng isang plake at may nakasulat na, “Kilala ako ni Jesus at gusto ko iyon.” Nagpapahiwatig naman ito ng isang pananaw tungkol sa ating relasyon kay Jesus –…

Mas Malaking Dios

“Napakalaki talaga ng mundo!” Ito ang nasabi ng asawa ko nang minsang makarating kami sa isang napakalayong lugar. Naisip din namin na napakaliit namin kumpara sa mundo. Pero kung ikukumpara ito sa kalawakan, tila alikabok lang ang mundo.

Kung malaki ang mundo at mas malaki ang kalawakan, gaano naman kaya kalaki ang lumikha ng mga ito? Sinabi sa Biblia, “Sa…

Katarungan

Sa isang pagtitipon, may mga nakausap ako na nagmulat sa isipan ko. Ang una kong nakausap ay ang pastor na nakulong dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. 11 taon pa ang hinintay niya bago siya nakalaya. Sunod kong nakausap ang ilang pamilyang dumanas ng pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Nagbayad sila ng napakalaking halaga para tulungan silang makatakas sa kanilang…

Mahalin ang mga Bata

Nag-aral ng medisina si Thomas Barnado noong 1865 dahil pangarap niyang maging isang misyonerong doktor sa Tsina. Nagbago ito nang matuklasan niya na marami palang bata sa kanilang lugar sa London ang walang tirahan at namamatay na lang sa kalye. Dahil doon, nagsikap siyang magtayo ng mga matitirhan ng mga bata. Naligtas niya ang humigit kumulang na 60,000 mga bata mula…